Bakit nais magpakamatay ng mga matandang kababaihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mataas na bilang ng pagpapakamatay ay nakita sa mga matatanda (65 taong gulang pataas) sa maraming bansa.

Ang mga maaring dahilan ay:

  • Ang mga paniniwala sa mga tradisyon sa maraming bansa ay biglang nasira (dahil sa modernisation). Sa halip na kilalanin at pahalagahan ang matatandang tao, may mga lipunan na nagsimulang tingnan sila na wala ng halaga at pampabigat lamang. Ang pag-aalaga sa kanila ay nagiging mabigat na gawain. Kapag naiisip ang ganitong pagwawalang-galang, maraming matatanda ang nagpapakamatay para hindi na sila makabigat sa kanilang pamilya at pamayanan.
  • Ang sapilitang paglipat sakanilang mga minamahal sa buhay. Sa maraming bansa, at mga bata at mga apo ay napipilitang lumipat ng tirahan dahil walang pagkain o trabaho sa bahay, o dahil ang mga pabrika sa malalaking lungsod ay mas mataas mag-alok ng pera. Ang iba sa kanila ay kailangan lumipat sa malayo para malapit sa trabaho. Sa panahon ng pagliliipat na ito, ang kanilang mga magulang at mga lolo at lola ay naiiwan na walang titingin at mag-aalaga sa kanila. Ang iba sa kanila ay nalulungkot, walang magawa at labis na nangungulila kaya nakakaisip na magpakamatay.
  • Madalas na itinuturing ng mga kababaihan ang pagtatanda bilang panahon ng pagkawala. Sila ay nalulungkot sa pagkamatay ng marami nilang kaibigan at minamahal. Ang pagkawala ng kanilang asawa ay nagdudulot ng malalim na pagdadalamhati sa mga kabubiyuda lamang na babae, at nahihirapan din sila sa panibagong sitwasyon sa pera. Ang mga hindi nakakuha ng sapat na tulong at suporta mula sa mga kaibigan at pamilya, ay madalas hindi kinakaya ang mga problema.
  • Ang pagkawala ng pagpapahalaga sa sarili sa pag-retiro. Ang ganitong kalagayan ay madalas sa mga developed countries, dahil ang mga kababaihan doon ay may sariling kakayahan. Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, ang mga matatandang babae ay nawawalan ng trabaho, at ang kanilang pagreretiro ay nagdulot ng kawalan ng tiwala sa sarili, pati na pagsasarili. Pakiramdam nila na wala na silang at hindi na kailangan. Ang pagkawala ng mga kaibigan at katrabaho ay nagdadala ng kalungkutan at pakiramdam na inabandona.
  • Usaping pangkalusugan. Ang pagkawala ng mabuting kalusugan patungo sa malalang sakit, na madalas nagdudulot ng kawalang ng pisikal na pagkilos, pagiging malaya, personal na dignidad ay isa pang dahilan ng mga matatandang babae na hindi na mabuhay pa.


Sources
  • Felicitas Heyne, Psychologist
  • Audiopedia ID: fil020906