Bakit problema ang karahasan sa kababaihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Araw-araw, ang mga babae ay sinasampal, sinisipa, binubugbog, pinapahiya, pinagbabantaan, inaabusong sekswal, at pinapatay ng kanilang kinakasama. Nguni't wala tayong naririnig madalas tungkol sa karahasang ito, dahil ang mga babaeng inaabuso ay maaaring nahihiya, nag-iisa, at takot magsalita. Maraming duktor, nars, at health workers ay hindi kinikilalang malalang problema ang karahasang ito.

Ang kabanatang ito ay tungkols sa iba't-ibang karahasan na nangyayari sa mga kababaihan. Maaaring makatulong ito upang iyong maintindiahan bakit may karahasan, ano ang maaari mong gawin, at paano ka makatutulong sa pagbabago sa iyong pamayanan.

Bagama't ang kabanatang ito ay tungkol sa karahasan sa pagitan ng isang babae at lalaki, ang karahasan ay maaaring mangyari saan mang malapit na relasyon: halimbawa, sa biyenang babae at manugang na babae, sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga anak, sa mga magkapatid, sa mga magkakapamilya at sa matandang taong nakatira sa bahay, at sa mga nagsasama na parehong kasarian.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020103