Bakit problema ang sexually-transmitted infection o STIs

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga lalaki at babae ay parehong maaaring mahawa ng STIs. Nguni't ang babae ang mas madaling mahawa sa lalaki, kaysa ang lalaki mahawa sa babae. Ito ay dahil sa ang ari ng lalaki ay nakapapasok sa bahagi ng katawan ng babae, tulad ng ari nito, bibg, o puwit habang nakikipagtalik. Kapag ang lalaki ay hindi gumamit ng condom, ang inilalabas ng lalaki ay maaaring may dalang impeksiyon at mananatili sa kaniyang katawan. Ito ay nagbibigay na malaking posibilidad na magkaroon siya ng impeksiyon sa kaniyang matris, mga tubo at obaryo. Kapag ang babae ay may sugat o iritasyon sa kaniyang ari, siya ay maaaring mas madaling makakuha ng HIV.

Dahil sa ang karamihan ng STIs ay nasa loob ng katawan ng babae, mahirap makita ang sintomas nito. Dahil dito, mas mahirap malaman kung may impeksiyon sa kaniyang ari, o anong uri ng impeksiyon meron siya.

Mahirap mapangalagaan ng babae ang kaniyang sarili sa STI. Madalas, siya ay nakikipagtalik dahil sa kagustuhan ng kaniyang partner. Hindi niya malalaman kung ang kaniyang partner ay nakikpagtalik sa iba bago sa kaniya, o kung siya ay may STI. Kung siya ay nakipagtalik sa ibang may impeksiyon, mahahawahan niya ang kaniyang asawa.

Maaaring hindi makumbinse ng babae na gumamit ng condom ang kaniyang partner. Ang latex condom ang pinkamabuting proteksiyon para sa mag-partners, nguni't dapat pumayag ang lalaki na gumamit nito.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010503