Dapat ko bang pag-isipan ang tungkol sa Pagpaplano ng Pamilya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Maraming mga babaeng may mga kapansanan ang walang nalalaman ukol sa pakikipagtalik at pagpaplano ng pamilya. Sa kabila nito, maaari pa rin silang magbuntis - kahit iyong mga walang nararamdaman sa ibabang bahagi ng katawan. Kaya't kung may planong makipagtalik ngun't ayaw magbuntis, kailangang gumamit ng mabisang paraan ng pagpaplano ng pamilya,

Narito ang ilang alintuntunin sa pagpili ng tamang pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya:

Kung ikaw ay nakaranas na ng 'stroke', o hindi nakalalakad at kailangang nakaupo o nakahiga palagi, hindi dapat gumamit ng mga "hormonal methods", tulad ng 'birth control pills, injections o implants. Ang mga ito ay maaaring maging dahilan ng pamumuo ng dugo.

Kung ikaw ay walang pakiramdam o bahagya lang ang nararamdaman sa iyong puson, hindi dapat gumamit ng "anintra-uterine device (IUD)". Kung hindi ito mailagay nang tama ay mayroong posibilidad na magkaroon ka ng tinatawag na "sexually transmitted infection" o impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik. Kung walang pakiramdam, hindi malalaman na ikaw ay may impeksyon.

Kung hindi mo magamit ang iyong mga kamay nang mabuti, maaaring maging mahirap ang paggamit ng mga 'barrier methods', tulad ng diaphragm, female condom, o foam. Kung panatag ka sa iyong asawa, maaaring siya ang maglagay para sa iyo.

Kung ang iyong kapansanan ay nagbabago paglipas ng panahon, kakailanganin ding palitan ang iyong napiling family planning method ayon sa pagbabago ng kondisiyon ng iyong kapansanan.

Ang condom ay hindi lamang nakapipigil ng pagbubuntis, kundi nakatutulong din ito makaiwas sa mga impekyon na nakukuha sa pakikipagtalik, o sa HIV.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011111