ITIGIL ang pag-iinom ng pills at makipagkita sa isang health worker kung ikaw:
ay mayroong matinding sakit ng ulo na may kasamang panlalabo ng paningin (migraines) na nagsimula nung uminom ng pills.
ay may nararamdamang panghihina o pagkamanhid sa iyong mga braso o mga binti.
ay nakakaramdam ng matinding sakit sa dibdib o kinakapos sa paghinga.
ay may matinding sakit sa isang binti.
ay mayroong matinding sakit sa puson.
Kung mayroon ka sa alinmang mga problemang ito, ang pagbubuntis ay lubhang delikado, kaya gumamit ng ibang pamamaraan ng family planning tulad ng condom hanggat makausap mo ang isang healthworker na may pagsasanay sa hormonal family planning methods.
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.