Kailangan bang mabakunahan ang bawat bata

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Maraming magulang ang hindi dinadala ang mga bata para mabakunahan dahil ito ay may lagnat, ubo, sipon, pagtatae o iba pang sakit. Ngunit, ligtas ang pabakunahan ang bata na may kaunting sakit.

Ligtas ding magpabakuna ang mga batang may kapansan o kulang sa sustansya. Kung ang bata positibo sa HIV o hinihinalang positibo sa HIV, kailangang kumonsulta sa nagsanay na health worker kung anong bakuna ang dapat ibigay sa bata.

Pagkatapos ng iniksyon, ang bata ay maaaring umiyak o lagnatin, o magkaroon ng kaunting pantal o maliit sa sugat. Ito ay normal at nangangahulugang mabisa ang bakuna. Ang mga batang mababa sa anim na buwan ang edad ay dapat pasusuhin nang madalas; ang mas nakatatandang mga bata ay dapat bigyan ng maraming likido at pagkain. Kapag ang bata ay nilagnat nang mataas (mahigit sa 38 degrees Celsius), dapat dalhin ang bata sa isang sinanay na health worker o health center.

Ang tigdas ay lubhang mapanganib sa mga batang kulang sa sustansiya, kaya dapat silang bakunahan laban sa tigdas, lalo na sa malalang malnutrisyon.

Sources