Kelan ako dapat huminto sa pagpapasuso

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang bata ay handa na sa ibang pagkain kapag:

  • Sya ay anim na buwan o higit pa.
  • Sya ay nag-uumpisa ng sumunggab ng pagkain mula sa kapamilya o mula sa mesa.
  • hindi nya itinutulak palabas ang pagkain sa pamamagitan ng kanyang dila.

Sa pagitan ng anim na buwan at isang taon, bigyan ng gatas ng Ina ang sanggol hanggat gusto niya. Huwag bigyan ng ibang pagkain ang bata bago mag apat na buwan. Kahit na kumakain na sya ng ibang pagkain, kailangan pa rin nya ang sapat na gatas ng ina tulad ng dati. Sundan ang pagpapasuso ng ibang pagkain dalawa o tatlong beses sa isang araw sa umpisa. Magsimula sa malambot, madaling matunaw, gaya ng cereal o lugaw. Ang ibang nanay ay inihahalo ito sa gatas ng ina. Hindi ninyo kailangan ng mamahalin na pang batang cereals.

Kung ang bata ay mukang hindi gaanong masaya o hindi gaanong nabubusog sa pagsuso sa Ina at siya ay nasa 4 hanggang 6 na buwang gulang, kailangan lang niyang sipsiping mabuti ang suso ng Ina para makagawa ito ng mas maraming gatas. Dapat na pasusuhin ng Ina ang kanyang anak hanggang gusto nito sa loob ng 5 araw. Ngayon kung ang bata ay nananatiling hindi masaya, dapat na niyang subukan ang ibang mga pagkain: Durugin ang lahat ng mga pagkain ng pino sa una hanggang ang bata ay nakakanguya na sa sarili nya. Gumamit ng tasa o mangkok at kutsara para pakainin ang bata.

Ang mga bata ay kailangang kumain ng madalas---mga limang beses sa isang araw. Kada araw, dapat mayroon silang pangunahing pagkain (lugaw, mais, trigo, tinapay, cereal, patatas, kamoteng kahoy), haluan ng mga pagkaing pangpalaki (beans, giniling na mani, itlog, keso, karne o isda) mga makukulay na mga gulay at prutas, at pagkaing pangpalakas (pinong giniling na mani, taba, margarina o mantika). Hindi mo kailangang magluto ng limang beses sa isang araw. Yung ibang cereals ay maaaring ibigay ng malamig na miryenda.

Magdagdag pa isa-isa ng bagong pagkain. Sa mga bandang ika 9 na buwan hanggang 1 taon, ang mga bata ay maaari ng kumain ng mga pagkain ng pamilya kung ang mga ito ay hiniwang mabuti at ginawang madaling kainin.

Kahit na sa ikalawang taon, ang gatas ng Ina ay nananatiling nagpoprotekta sa inyong anak laban sa impeksyon at mga ibang problema sa kalusugan. Kung kaya mong patuloy na magpasuso hanggat ang bata ay dalawang taon kahit na mayroon ka na ulit bagong sanggol ay gawin mo. Karamihan sa mga bata sila ang kusang paunti-unting tumitigil sa pagsuso.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010807