Paano ako hihinto sa pag-inom at paggamit ng droga
1. Tanggapin na ikaw ay may problema.
2. Mag-desisyong gagawa ng paraan NGAYON.
3. Huminto. O bawasan ang paggamit paunti-unti hanggang tuluyang huminto. Maraming tao ang kayang huminto sa pag-inom o paggamit ng droga nang biglaan. Ang iba naman ay nangangailangan ng tulong mula sa isang grupo o treatment program tulad ng Alcoholics Anonymous (AA) na tumutulong sa mga taong may problema sa pag-inom ng alak o paggamit ng droga. Maryooong mga AA groups sa maraming bansa. Maaaring maroon ding ibang grupo o treatment programs sa iyong lugar. Mas komportable ang karamihang ng mga babae sa grupong puro babae lamang. Kung walang ganitong grupo sa inyong lugar, subukang magtatag ng grupo sa tulong ng taong naging matagumpay sa pagtulong sa ibang taong matigil ang pag-abuso sa alak at droga.
4. Kung sakaling bumalik sa pag-inom o paggamit muli ng droga, huwag sisihin ang sarili. Pero, ihinto agad ito.