Paano ako kakain nang tama para mapanatili ang kalusugan sa aking pagtanda
Habang nagkaka-edad ang isang babae, kakailanganin niya ang masustansiyang pagkain para manatiling malakas ang kaniyang katawan at makalaban sa sakit. Ang kanyang pangangailangan sa mga piling pagkain ay tumataas din. Dahil bumababa na ang paggagawa ng estrogen ng kaniyang katawan, makatutulong na kumain ng mga gulay na may mataas na estrogen katulad ng soy beans, tokwa, patani at iba pang "beans". At dahil ang kanyang buto ay nagiging manipis dala ng pag tanda, makatutulong na kumain ng mga pagkaing mataas sa calcium, isang miniral na tumutulong sa pagpapatibay ng buto.
Minsan ang mga babaeng nagkaka-edad ay mas mahina nang kumain kaysa dati. Ito ay dala ng pagbabago sa pang-lasa at pang- amoy, kaya ang pagkain ay hindi kasing saya. O ang pa babago sa katawan na dala ng edad ay maaaring magbigay ng pakiramadam na busog na kapag nakita ang pagkain. Nguni't hindi ito nangangahulugang ang mga mas nakatatanda ay hindi na ma-sustansiya ang kailangang pagkain. Kailangan silang kumbinsihing kumain nang tama at ng iba't-ibang pagkain.