Paano ako magpapasiya tungkol sa pagpapalaglag

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang iyong pasiya na magpalaglag ay kadalasang nakasalalay sa kung ang ligtas na pagpapalaglag ay mayroon ba sa lugar na tinitirahan mo. Nakasalalay din ito sa kung paano makakaapekto ang pagpapalaglag o ang sanggol sa iyong buhay.

Maaaring makatulong sa iyong pag iisip ang mga katanungang ito:

  • Maaari mo bang alagaan ang sanggol? ayroon ka bang sapat na pera upang mapalaki ang bata?
  • Ang pagbubuntis ba ay mapanganib sa iyong kalusugan?
  • Mayroon ka bang katuwang o asawa na tutulong na sumuporta sa bata? Maari mo ba siyang kausapin tungkol sa desisyong ito?
  • Ang iyo bang relihiyon o pamilya ay labag sa pagpapalaglag? Kug oo, ano ang mararamdaman mo kung mayroong isa?
  • Paano gagawin ang pagpapalaglag?
  • Gaano ka na katagal na buntis?
  • Mayroon ka bang nakakahawang sakit mula sa pakikipagtalik (STI) or HIV? Masmaaari kang malagay sa panganib kung ikaw ay bata, dalaga, o may bagong katuwang, o kung mayroon kang palatandaan ng STI. Kungsa pakiramdam mo ikaw ay nasa panganib, kailangan mong magamot bago ang pagpapalaglag.
  • Anong mga komplikasyon o problema ang maidudulot ng pagpapalaglag? Kung kaw ay may HIV o AIDS, ang panganib ng hindi ligtas na pagpapalaglag ay mas malaki.
  • Saan ka pupunta para sa agarang pangangalaga kung ikaw ay may mga komplikasyon? Paano a pupunta doon?

Kung ang ligtas na pagpapalaglag ay hindi maaari, pwede mong piliin ang ipa ampon ang iyong anak, kung it ay katanggap-tanggap sa iyo o sa iyong komunidad.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020207