Paano ako makakain ng mabuti sa mababang halaga

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kapag may kakulangan sa pera, mahalagang matutunan ang tamang paggamit nito. Narito ang ilang suhestiyon para makakuha ng mas maraming bitamina, mineral at protina sa mababang halaga:

Pagkain na maprotina Sitaw, gisantes, lentil at iba pang kaparehong pagkain (tinatawag na monggo) ay mabuti at murang mapagkukunan ng protina. Itlog ay isa sa mga murang mapagkukunan ng protinang galing sa hayop. Atay, puso, bato, dugo at isda ay mas mura kaysa sa ibang karne pero kasing sustansya.

Haspe/Pagkaing butil Bigas, trigo at iba pang haspe ay mas masustansya kapag ang kanilang balat ay hindi natanggal sa pagkiskis.

Prutas at gulay Mas masustansyang kainin ang sariwang gulay at prutas na bagong pitas. Ilagay ang mga ito sa tamang temperatura at malayo sa sikat ng araw para mapanatili ang bitamina. Hanggat maari Iluto ang gulay sa kaunting tubig dahil ang bitamina ng gulay ay napupunta sa tubig habang niluluto. Gamitin o inumin ang sabaw nito.

Ang dahon o talbos ng gulay kagaya ng karots o cauliflower ay may maraming bitamina at maaaring gamitin sa paggawa ng masustansyang sabaw. Halimbawa, ang usbong ng kamoteng kahoy ay mas maraming protina ng pitong beses at bitamina kaysa sa kanyang ugat. Maraming ligaw na prutas at berries ay mga mayaman sa bitamina C at natural na asukal at maaaring magbigay ng dagdag na bitamina at lakas.

Kung mayroon kang lugar para makapagpalaki ng sarili mong mga gulay makakapagdulot ito ng masustansyang pagkain sa mababang halaga.

Gatas at mga produktong galing dito Panatilihing nasa tamang temperatura at hindi ito naaarawan. Ang mga ito ay mayayaman sa protinang nagpapalaki ng katawan at calcium.

Iwasan ang paggastos ng pera sa mga pagkaing naka lata o naka plastik o bitamina. Kung ang mga magulang ay ginagastos ang kaninang pera sa tama at masustansyang pagkain kaysa sa matatamis o softdrinks ang kanilang mga anak ay magiging mas malusog sa kaparehong halaga. Dahil karamihan ng bitaminang kailangan ng tao ay nakukuha sa pagkain, mas mabuting gumastos sa masustansyang pagkain kaysa sa tabletas o iniksyon. Kung kailangan mong uminom ng bitamina, uminom ng tableta. Ang mga ito ay epektibo kagaya ng sa iniksyon ngunit mas ligtas at mas mura.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010412