Paano ako makakukuha ng daan sa ligtas na pagpapalaglag

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung ang babae ay nahaharap sa hindi ginustong pagbubuntis, siya ay dapat makakuha ng ligtas at legal na pagpapalaglag. Ngunit ang mga batas tungkol sa pagpapalaglag ay magkakaiba sa ibat ibang mga bansa:

Legal na pagpapalaglag: Kung ang pagpapalaglag ay legal ang babae ay maaaring pumunta sa health center o ospital, magbayad, at magkaroon ng ligtas na pagpapalaglag. Sa mga bansa na nangyayari ito, halos walang mga babae ang nagkakasakit o namamatay dahil sa komplikasyon ng pagpaaplaglag.

Ang legal na pagpapalaglag sa ibang mga kaso: Sa Ibang mga bansa ang pagpapalaglag ay tanging legal para sa mga ibang dahilan tulad ng:

  • kung ang babae ay nabuntis dahil sa panggagahasa o pakikipagtalik sa myembro ng pamilya.
  • kung sinabi ng manggagamot na ang pagbubuntis ay mapanganib sa kalusugan ng babae.

Ngunit ang pagpapalaglag ay kadalasang mahirap makuha, kahit sa mga nabanggit na dahilan. Ang mga manggagamot at health workers ay hindi sigurado kung ano ang sinasabi ng batas. Maaaring hindi sila pumayag na gawin ang pagpapalaglag ng lantad, o maaaring maningil sila ng malaking halaga. Ang mga babae ay maaaring hindi alam na ang pagpapalaglag ay legal o mayroon sa kanilang bansa.

Legal o hindi, mahirap pa ring kumuha ng ligtas na pagpapalaglag dahil ito ay masyadong mahal, masyadong malayo, o dahil may mga nakalilitong mga patakaran, o papel na kailangang pirmahan. Ang mga dahilang ito ay kadalasang nagpapahirap sa mga babae na mahihirap, o sa mga hindi nakaka alam ng sistemang medikal, para makakuha ng ligtas na pagpapalaglag. Sa kasamaang palad, sa maraming mga lugar, ang tanging babae na maaaring makakuha ng ligtas na pagpapalaglag ay ang mga babeng kayang magbayad sa pribadong manggagamot.

Ilegal na pagpapalaglag: Kung ang pagpapalaglag ay hindi legal, ang mga babaeng sumasailalim dito gayundin ang mga gumagawa nito ay maaaring madakip. Sa mga ibang lugar ito ay hindi nangyayari. Pero kung ang pagpapalaglag ay labag sa batas, mas maraming mga babae ay namamatay mula sa hindi ligtas na pagpapalaglag at hindi ligtas na pagbubuntis. Ang perang maaaring magasta para sa serbisyong pangkalusugan ng babae ay nagagasta para gamutin ang komplikasyon ng hindi ligtas na pagpapalaglag.

MAHALAGA: Huwag ipalagay na ang pagpapalaglag ay hindi legal. Subukang alamin ang mga batas sa inyong sariling bansa. Mas madaling sumunod sa batas kaysa subukang baguhin ang mga ito. Kahit na ang pagpapalaglag ay ilegal, maaaring may mga taong gumagawa ng ligtas na pagpapalaglag. Ang paghanap ng ligtas na pagpapalaglag ay maaaring magbigay ng kaibahan sa pagitan ng pananatiling buhay o kaysa mamatay.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020206