Paano ako makasisiguro na makakakuha ako ng sapat na Iron

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang Iron ay kailangan upang maging malusog ang ating dugo at upang maiwasan ang anemia. Ang isang babae ay kailangan ng maraming Iron sa kayang buong buhay lalo na sa mga panahong sya ay may regla at kung sya ay buntis.

Ito ang mga pagkaing may maraming iron:

  • Karne (lalo na ang atay, puso at bato)
  • Dugo
  • Manok
  • Itlog
  • Isda
  • Beans
  • Tipaklong, kuliglig, anay
  • Gisantes

Ang mga pagkaing ito ay mayroon ding Iron:

  • Repolyo na may matingkad na kulay ng dahon
  • Patatas
  • Cauliflower
  • Lentils
  • Usbong ng bruselas
  • Singkamas
  • Sunflower, sesame, buto ng kalabasa
  • Strawberries
  • Matingkad na berdeng dahong gulay
  • Pinya
  • Kamote / Ube
  • Halamang dagat
  • Broccoli
  • Tuyong prutas (lalo na ang dates, apricots at pasas)
  • Pulot

Posibleng makakuha ng mas maraming Iron kung ikaw ay:

  • Magluto gamit ang bakal na kaldero. Kapag nagdagdag ka ng kamatis, katas ng limon (na mayaman sa Bitamina C) sa pagkain habang nagluluto, mas maraming Iron galing sa kaldero ang pupunta sa inyong pagkain.
  • Mag dagdag ng malinis ang piraso ng bakal - tulad ng pako or horseshoe - sa kaldero. Ito dapat ay gawa sa purong bakal, hindi sa pinag halong bakal at ibang metal.
  • Maglagay ng malinis na piraso ng purong bakal, tulad ng pakong bakal, sa kaunting katas ng limon nang ilang oras. Tapos gumawa ng lemonada gamit ang katas ng nilagyan ng bakal at inumin ito.

Mainam na kumain ng iron foods kasama ang maaasim na prutas o kamatis. Ito ay may Vitamin C, na nakatutulong sa iyong katawan na gamitin ang iron na nasa pag kain.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010406