Paano ako makasisiguro na makakakuha ng sapat na Calcium

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang lahat ay nangangailangan ng calcium para mapatibay ang kanilang buto at ngipin. Bilang dagdag, ang mga dalaga at mga Ina ay nangangailangan ng higit na calcium:

  • Habang kabataan. Ang calcium ay tumutulong sa mga babae habang ang kanilang balakang ay kasalukuyang lumalaki at lumalapad upang magbigay daan sa panganganak ng ligtas kapag sya ay nasa hustong gulang na.
  • Habang buntis. Ang buntis na babae ay nangangailangan ng sapat na calcium para tulungan ang buto ng sanggol na lumaki at mapanatili ang kanyang sariling buto at ngipin na matibay.
  • Habang nagpapasuso. Ang calcium ay kailangan sa paggawa ng gatas ng Ina.
  • Habang kainaman ang edad hanggang sa pagtanda. Ang calcium ay kailangan para maiwasan ang paghina ng buto (osteoporosis).

Ang mga pagkaing ito ay mayaman sa calcium:

  • gatas, curd, yogurt
  • mga pagkaing may buto o biyas ng baka, kalabaw, baboy
  • mga berdeng dahong gulay
  • keso
  • giniling na sesame
  • almonds
  • beans, lalo na ang soya
  • tulya, tahong, talaba, kabibe, hipon, sugpo, alimasag, talangka, alimango
  • limon

Para madagdagan ang calcium na makukuha sa pagkain:

  • Ibabad ang buto o balat ng itlog sa suka o katas ng limon ng mga ilang oras, tapos gamitin ang pinagbabaran sa paggawa ng sabaw o iba pang pagkain.
  • Magdagdag ng katas ng limon, suka, o kamatis kapag nagluluto ng buto o biyas para sa sabaw. Durugin ng pino ang balat ng itlog hanggang maging pulbos at ihalo sa pagkain.
  • Ibabad ang mais sa limon.
  • Ang sikat ng araw at makatutulong sa iyo para magamit mo ng mas mabuti ang calcium. Subukang magpa araw sa loob ng 15 minuto kada araw. Tandaan, hindi sapat na nasa labas ka lang, kailangang direktang tumama sa balat mo ang sikat ng araw.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010408