Paano ako makasisiguro na makakakuha ng sapat na Iodine

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang iodine sa pagkain ay nakatutulong na maiwasan ang pamamaga ng lalamunan na tinatawag na goiter at iba pang mga problema. Kung ang babae ay hindi makakakuha ng sapat na Iodine habang buntis, ang kanyang sanggol ay maaaring magkaroon ng mabagal na pag-iisip. Ang goiter at ang pagiging mabagal ng isip ay ang mga pinaka pangkaraniwan sa mga lugar na mayroong maliit na natural na Iodine sa lupa, tubig, o pagkain.

Ang pinaka madaling paraan upang makakuha ng sapat na Iodine ay gumamit ng Iodized na asin sa halip na pangkaraniwang asin.

O maaari mong kainin ang mga sumusunod na pagkain (sariwa o tuyo):

  • tahong, tulya, talaba, kabibe, hipon, alimasag, alimango, talangka
  • isda
  • halamang dagat
  • itlog
  • sibuyas

Kung ang Iodized na asin o mga pagkaing nabanggit ay mahirap kunin, o kung mayroon ng goiter o mabagal na takbo ng utak sa inyong lugar, kumunsulta sa lokal na tanggapan para sa kalusugan at tignan kung maaari nila kayong bigyan ng Iodized oil na pinapatak sa bibig o iniiniksyon. Kung hindi maaari kang gumawa ng Iodine solution sa bahay may sangkap na polyvidone iodine (isang gamot pang langgas na mabibili sa mga botika).

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010409