Paano ang pag disimpekta ng mga kagamitan upang mapigilan ang paglaganap ng HIV
Ang una at pangalawang hakbang ay dapat gawin matapos gamitin ang iyong mga kasangkapan. Iwasang huwag matuyo ang dugo o plema sa mga ito. Ang pangatlong hakbang ay dapat gawin bago mo gamitin ulit ang mga kasangkapan. Ang lahat ng mga hakbang ay maaaring gawing lahat kung itatago ang mga kasangkapan para mapanatili na desimpektado.
1. Pagbababad: Ibabad ang kasangkapan sa loob ng 10 minuto. Kung maaari gumamit ng 0. 5% ng klorox. Ang pagbababad ng iyong mga kasangkapan una sa klorox ay makatutulong na maprotektahan ka sa impeksyon sa paglilinis ng mga ito. Kung wala kang klorox, ibabad ang iyong mga kasangkapan sa tubig.
2. Paghuhugas: Hugasan lahat ng kasangkapan sa may sabon na tubig at isisin hanggang lahat ay magmukang malinis na malinis, banlawan sila sa malinis na tubig. Mag ingat na mahiwa mo ang iyong sarili ng mga matatalas na mga gilid o patusok na dulo. Kung maaari, gumamit ng matibay na gwantes, o kahit anong gwantes na meron ka.
3. Pagdidisimpekta: Pasingawan o pakuluan ang mga kasangkapan nang 20 minuto (kasing tagal ng pagluluto ng kanin)
Para sa pagpapasingaw at pagpapakulo, simulang bilangin ang minuto pagkatapos kumulo ng tubig. Huwag magdagdag ng kahit anong bago sa kaserola kapag nagsimula ka ng magbilang. .