Paano gumagana ang isang pagsusuri para sa HIV
Kapag ang HIV ay pumasok sa katawan, agad na gagawa ng antibodies ang katawan upang labanan ang virus. Ang mga antibodies na ito ay karaniwang makikita sa dugo matapos ang 2 hanggang 4 na linggo.
Ang pagsusuri ng HIV ang maghahanap ng mga antibodies na ito sa iyong dugo. Ang HIV test ang natatanging paraan upang malaman kung ang isang tao ay na-impeksyon ng HIV. Hindi ito pagsusuri para sa AIDS.
Ang madaliang pagsuri ng HIV ay makukuha sa maraming sentro ng kalusugan at mga ospital sa mababa o walang gastos. Karaniwang makukuha mo na ang resulta sa araw na iyon.
Ang positibong pagsusuri ng HIV ay nangangahulugan na ikaw ay na-impeksyon ng virus at ang iyong katawan ay nakagawa ng mga antibodies para dito. Kahit na sa tingin mo ay lubos na maayos ang iyong pakiramdam, maaari mong maikalat ang virus sa iba.
Ang negatibong pagsusuri ng HIV ay maaaring may dalawang kahulugan:
1) Hindi ka na-impeksyon ng HIV, o 2) Kamakailan lang ikaw na-impeksyon pero hindi pa sapat ang nagagawang antibodies ng iyong katawan para mag-positibo ang test.
Kapag ikaw ay negatibo sa pagsusuri ng HIV ngunit sa tingin mo pa rin ay may impekson ka, dapat kunin mo uli ang pagsusuri matapos ang 6 na linggo. Minsan ang positibong pagsusuri ay kailangan ring ulitin. Maaari kang tulungan ng isang health worker na mag-desisyon.
MAHALAGA: Ang isang negatibong pagsusuri ay nangangahulugan lamang na wala kang HIV noong panahon na kinuha ang pagsusuri. Kung hindi mo protektahan ang iyong sarili, maaari mo pa ring makuha ng impeksyon. Magsanay ng ligtas na sex. Gumamit ng condom.
Ang pagsusuri ng HIV ay dapat gawin na:
1) may pahintulot mo. 2) may pagpapayo bago at pagkatapos ng pagsusuri. 3) pribado. Walang sinuman ang dapat maka-alam ng mga resulta maliban sa iyo at sa mga gusto mong maka-alam.