Paano ko aalagaan ang aking kalusugan kung mayroon akong HIV
Agad na maghanap ng programang tutulong sa pag-alaga at pag-gamot ng HIV kapag positibo ang lumabas na resulta sa HIV test. Wala pa ring lunas para sa HIV, ngunit makatutulong ang mga gamot upang patagalin ang buhay at bawasan ang mga problema sa kalusugan ng mga taong may HIV.
Maagang asikasuhin ang mga problemang medikal. Magpatingin sa isang health worker ng regular. Kapag nagkasakit, siguraduhing makakuha ng kailangang pagpapagamot. Ang bawat impeksyon ay maaaring higit na magpahina ng iyong immune system.
Kumain ng masustansyang pagkain upang mapanatiling malakas ang katawan. Ang mga pagkain na mabuting kainin kapag ikaw ay masigla ang siyang makabubuti rin para sa iyo kapag ikaw ay may sakit. Bumili ng masustansyang pagkain sa halip na gumastos ng pera para sa injection ng bitamina.
Umiwas sa tabako, alak, at iba pang mga bawal na gamot/droga.
Sanayin ang ligtas na sex para sa kalusugan mo at ng iyong kasama.
Subukan na makakuha ng sapat na ehersisyo. Ito ay makakatulong sa iyong katawan na manatiling malakas upang malabanan ang impeksiyon.
Iwasan ang impeksiyon sa pamamagitan ng paghuhugas ng madalas at paggamit ng malinis na tubig sa pag-inom at paghahanda ng pagkain.