Paano ko haharapin ang hindi pagkakasundo sa pagdadala o pag-aanak ng babaeng sanggol

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga sumusunod ay ilang mga paraang maaaring gamitin sa pagtanggol sa sarili at sa anak na babae kung ang iyong asawa o ang kaniyang pamilya ay pinipilit kang ipatanggal ito:

1. Ipaintindi sa iyong asawa at kaniyang pamilya na kung walang kababaihan, walang maipapanganak na lalaki, kaya't ang babeng sanggol ay mabuti sa lipunan at mahalaga sa pagpapatuloy ng buhay sa mundo.

2. Ipaliwanag sa iyong asawa na ang mga babae ay sandigan ng lipunan. Ang babae ay maaring maging mabuting anak, kapatid, asawa, at ina. Kapag ang pagpapalaglag ay nagpatuloy sa mga sumusunod pang mga taon, makikita natin ang isang araw na wala nang mga ina, wala nang buhay. Kung walang anak na babae, wala nang kinabukasan.

3. Ipaliwanag sa iyong asawa na ang mga babae ay mas masunurin kaysa mga lalaki. Ang mga babae ang mas nagpapakita ng responsibilidad, dedikasyon at paggalang sa pamilya, trabaho, lipunan o bansa, kaysa mga lalaki. Mas madalas ding sila ang may malasakit sa mga magulang.


4. Kung hindi pa rin kumbinsido ang iyong asawa at ang kaniyang pamilya sa iyong pag-anak ng mga babae, siguraduhing magigising mo ang kanilang kamalayan sa mga sumusunod na mga bagay na napatunayan na ( kahit sinong doktor o health worker ay makapagpapatotoo nito, kung duda pa rin ang iyong asawa):

  • Ang kasarian ng sanggol ay naitatalaga sa pagbubuntis - at sa lalaki nanggagaling kung ang sanggol ay magiging babae o lalaki. Lahat tayo ay kumuha sa ating mga magulang kaya ang mga anak ay nakakamukha ng nanay at tatay.
  • Bago magbuntis, ang itlog ng babae ay X-chormosome lamang ang dala-dala. Ang sperm ng lalaki ay maaaring X- o Y-chromosome.
  • Kapag ang sperm na may dalang X-chromosome ang tinanggap ng itlog ng babae, ang magiging anak ay babae. At kapag ang sperm na may dalang Y-chromosome ang tinanggap ng itlog ng babae, lalaki ang magiging kasarian ng sanggol.
  • Kaya ang kasarian ng sanggol ay nanggagaling sa ama, hindi sa ina. Kaya ang babae ay walang kinalaman sa kasarian ng kaniyang magiging anak. Ang lalaki ang pinanggagalingan nito.

TANDAAN: Hangga't maaari, huwag papayag na magpa-ultrasound o magpagawa ng ibang paraan upang alamin ang kasarian ng iyong dinadalang sanggol. Kapag pinipilit ka ng asawa mo, humingi nang tulong o suporta sa mga support groups sa iyong lugar. Kung hindi naman, kumausap ng isang autoridad na iyong pinagkakatiwalaan tulad ng health worker, pari o isang nakatatandang miyembro ng pamilya.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021011