Paano ko haharapin ang hindi pagkakasundo sa pagtrato at pagbibigay-edukasyon sa mga anak na babae

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga sumusunod ay ilang mga kaisipang maaaring magamit sa pagkumbinsi sa iyong asawa na payagan ang inyong anak na babae na mabigyan ng magandang edukasyon:

Tanging ang positibong pag-iisip at aksiyon na may kinalaman sa pagtrato at pagpapahalaga sa mga anak, maging babae o lalaki man, ang magdudulot ng pagbabago sa lipunan. Ang anak na babae ay dapat mabigyan ng daan at pagkakataon sa lahat ng bagay tulad ng anak na lalaki, dahil ang mga babae ay mahalaga ring tulad ng nila.

Ang kakayahan ng mga babae ay sa anumang bagay ay hindi mababa kaysa mga lalaki. Bagkus, natatalo ng mga babae ang mga lalaki sa maraming bagay. Kung kakailanganin ng katunayan, tingnan ang resulta ng mga pagsusulit.

Gusto ng mga tao na ang kanilang mga manugang na babae ay mataas ang pinag-aaralan. Ngunit, nagdadalawang-isip namang pag-aralin ang mga sariling anak na babae. Hindi ito makatarungan at makatotohanan.

Mayroong kilalang kasabihan: "Kapag tinuruan mo ang iyong anak na babae, tinuruan mo ang dalawang pamilya. " May kinalaman ito sa usapan dahil pag napag-aral mo ang iyong anak na lalaki, tinuruan mo ang isang tao. Samanatalang, kung pinag-aral mo ang anak na babae, hindi lang siya ang naturuan mo kund ang kaniyang magiging pamilya.

Ang edukasyon ay kakabit ng pagtatrabaho. Ang mababang uri ng edukasyon ay nangangahulugang mababang uri ng trabaho. Sa madaling salita, ang edukasyon ang pinakamabisang paraang magagawa ng magulang para maiangat ang kalagayan ng anak, at tuluyan siyang makatayo sa sariling kakayahan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021012