Paano ko haharapin ang mga magkasalungat ng mga tungkulin ng mag-asawa

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa halos lahat ng mga bansa, mas may kapangyarihan ang mga kalalakihan kaya ang paghingi ng kanilang suporta at tulong ay mahalaga. Kung ikaw ay nagbabalak magtrabaho o magtayo ng sariling negosyo, malaking maitutulong kung mayroong suporta ang iyong asawa.

Kung iniisip mong hindi sasang-ayon ang ang iyong asawa sa iyong mga plan, subukang gamitin ang mga sumusunod upang makuha ang kanyang suporta:

1. Pag-isipang mabuti ang iyong mga plano mo bago kausapin ang iyong asawa. Kung hindi malinaw kung ano ang gusto mong gawin, at kung paano mo gagawin ito, paano mo maaasahang maintindihan niya ang mga plano mo at suportahan ka?

2. Magkaroon ng matatag, nguni't hindi nakikipagtalong paninindigan sa pakikipag-uusap sa kanya tungkol sa kung anong gusto mong gawin. Mahalagang matalakay mo sa iyong asawa ang mga nasa isip mo, nguni't ma tiyak na mas marami kang maisasagawa mananatiling mahinahon at magiliw, kaysa sumigaw o daanin sa pag-iyak.

3. Isakatuparan ang iyong mga plano nang may pagsangguni sa iyong asawa. Kung humihingi ka ng tulong at payo sa kanya ay siguradong mababawasan ang pagkabahala at paghihinala niya sa iyong ginagawa at matatanggap niyang kapwa kayo makikinabang sa mga pagbabagong pinagsisikapan mo.

4. Ipaliwanag sa iyong asawa na uunlad ang kanyang buhay kung susuportahan ka niya dahil madaragdagan ang kita ng pamilya at gusto mong gamitin ang perang kikitain mo sa iyong pamilya at tahanan.

5. Bigyang-diin sa iyong asawa na bilang pinuno ng isang mas nakakariwasang pamilya, ang kanyang katayuan at ang reputasyon ng inyong pamilya sa pamayanan ay aangat sa sandaling kumikita ka na. May mga lalaking natatakot na bababa ang pagtingin ng ibang tao sa kanila kung hindi na siya ang solong kumikita para sa kanilang pamilya. Ipaliwanag sa kanya na ito halos hindi totoo at, sa kadalasan, ang mga asawa ng nagtatrabahong maybahay ay mas iginagalang.

6. Imungkahi sa iyong asawa na ang karagdagang kita mula sa iyong trabaho ay magkakatulungan kayong maibigay ang mas mabuting edukasyon sa lahat ng inyong anak (mga lalaki at babae). Bawa't ama ay nag-iisip para sa kinabukasan ng kanilang anak at tinatanggap na sa makabagong mundo, ang mabuting edukasyon ang susi sa tagumpay at magandang trabaho. Kung gusto ng iyong asawa ang magandang kinabukasan para sa inyong anak, hindi niya ipagkakait ang ganitong pagkakataon.

7. Ipakita - gamit ang ilang mga halimbawang kababaihang nagtrabaho o iyong mga matagumpay na nakapagsimula ng mga negosyo sa parehong paraan na gusto mo - kung paano nakikinabang ang kanilang mga pamilya.

8. Kung, pagkatapos gawin ang lahat ng nasa itaas, atubili pa rin ang iyong asawa na pahintulutan kang magtrabaho, subukang maghanap ng iba pang kaanak na tutulong sa iyong malutas ang inyong pagtatalo at upang sumuporta sa iyo. Maaari ka ring makipag-usap sa sa iba pang kababaihan upang humingi ng kanilang tulong at suporta at magtanong kung paano nila nagawang baguhin ang isip ng kani-kanilang asawa.

MAHALAGA: Huwag salungatin ang pagiging mas mataas ng lalaki o magpapahayag ng pagiging kapantay ng kalalakihan. Hindi dapat makaramdam ng takot ang iyong asawa dahil sa mga pagbabagong hinahangad mo.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil021006