Paano ko maaayos ang kalidad ng aking pamumuhay kung ako ay may HIV

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Walang sinuman-o kahit anong makabagong gamot o makalumang manggagamot- ang may lunas sa HIV. Pero karamihan sa mga tao na may HIV ay maaaring maging malusog sa mga ilang taon, lalo na kung may tamang pangangalaga at paggagamot. Sa mga panahong ito makatutulong ang:

Gawin ang pinaka mabuti sa bawat oras ng buhay mo.

Gamitin ang iyong oras sa iyong mga kaibigan at pamilya.

Subukang maging aktibo sa pamamagitan ng paggawa ng iyong pang araw araw na trabaho.

Maging sekswal kung gusto mo. Ang pagsasaya sa ligtas na sekswal na paghipo ay makatutulong sa yo na mapanatiling malusog ng matagal.

Gumamit ng proteksyon (condoms) kapag ikaw ay nakikipagtalik. Ito ay magpoprotekta sa yo at sa iyong katuwang.

Subukang sumali o magsimula ng grupo ng mga tao na may HIV at AIDS. Ang ibang tao na may HIV at AIDS ay nagtutulungan para maturuan ang komunidad, para magbigay ng pangangalaga sa mga tahanan na merong may AIDS at suportahan ang karapatan ng mga taong may HIV at AIDS.

Tignan ang iyong espirituwal at pangkaisipang kalusugan. Ang iyong pananalig at tradisyon ay makakapag bigay ng pag asa at lakas.

Isipin ang hinaharap. Kung meron kang mga anak:

  • gamitin ang iyong oras ngayon sa knila at bigyan sila ng pangangalaga at patnubay.
  • gumawa ng kasunduan para sa mga myembro ng pamilya na tignan ang iyong mga anak kapag hindi mo na kayang gawin.
  • gumawa ng habilin. Kung meron kang pera, bahay, o pag aari, subukang siguruhin na mapupunta ang mga ito sa gusto mong pagbigyan. Kung minsan ang mga babae ay hindi legal na kasal kung kaya hindi maaaring iwan ang kanyang mga ari arian sa kanyang mga anak at ibang mga myembro ng pamilya. Kaya makatutulong ang magpakasal ng legal para maiwan mo ang mga pag aari mo sa mga pipiliin mo.

Kung ang iyong katuwang ay may HIV:

Kung kayo ay nagtatalik ng ligtas, iyong may impeksyon na tao ay mapipigilan na maipasa ang HIV sa kanyang katuwang. Condoms ang pinaka mabuting paraan ng pagpigil ng HIV. Takpan ang mga bukas na sugat at gamuting mabuti ang mga sakit na nakakahawa mula sa pakikipagtalik. At tandaan, may mga ibang paraan ng pagiging sekswal maliban sa pakikipagtalik.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011010