ilayo ang mga bata sa mga apoy pag nagluluto, posporo, paraffin lamps, mga kandila at madaling lumiyab na mga likido tulad ng paraffin at gaas
ilagay ang mga stove sa patag, mataas na lalagyan na hindi maaabot ng mga bata
kung sa labas magluluto, gumawa ng apoy sa nakaangat na clay, hindi basta sa lupa. Lagyan ng harang na putik, kawayan o ibang materyal o maaari ring gamitin ang kuna para mailayo ang batang maliit sa lugar na may apoy.
huwag iwanan ang mga maliliit na batang mag-isang malapit sa apoy o maglaro ng apoy o magluto
ilayo ang mga bata sa mga heaters, mainit na plantsa at ibang appliances
huwag iwanan ang batang mag-isa sa silid na may nakasinding kandila o apoy.