Paano ko maiiwasan ang Anemya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

  • Kung ang dahilan ng inyong anemya ay malaria, o bulate, gamutin muna ang mga ito.
  • Kumain ng mga pagkaing sagana sa iron kasama ang mga pagkaing sagana sa Vitamins A at C, na nakatutulong sa katawan na sipsipin ang iron. Ang mga makakatas na prutas at kamatis ay sagana sa Vitamin C. Ang matitingkad na dilaw at berdeng dahong na gulay ay sagana sa Vitamin A. Kung ang isang babae ay hindi nakakakain ng sapat na pagkaing sagana sa iron, kailangan niyang uminom ng iron tablets.
  • Iwasang uminom ng itim na tsaa at kape, o kumain ng bran (labas na bahagi ng butil) sa oras ng pagkain. Mapipigilan nito ang pagsipsip ng katawan sa iron na galing sa pagkain.
  • Uminom nang malinis na tubig para maiwasan ang impeksiyon.
  • Dumumi lamang sa palikuran para maiwasang kumalat ang itlog ng bulate sa pagkain at pinanggagalingan ng tubig. Kung karaniwan ang hookworm sa lugar nyo, magsuot ng sapatos.
  • Iplano ang pagbubuntis na may agwat na 2 taon. Ito ay magbibigay ng sapat na panahong mag-ipon ng iron sa pagitan ng pagbubuntis.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010417