Bilang karagdagan sa pagbabantay, ang ibang mga paraan para maiwasang mahulog ang mga bata:
bawalan sila na umakyat sa mga delikadong lugar
huwag hayaang maglaro sa hagdanan o balkonahe ang mga bata, at kung sakali man, kailangan silang bantayang mabuti
lagyan ng harang o rehas ang mga hagdanan, bintana at balkonahe
panatiliing malinis ang bahay, maliwanag, at walang nakakakalat na mga matatalas o magagaspang na bagay
siguraduhing ligtas ang pag-upo ng bata sa high chair
huwag iwanan ang mga sanggol na walang bantay sa kama, higaan, duyan o sa andador o sa kahit na anong pang batang gamit
ilagay ang mga kama, upuan, at kuna na malayo sa bintana
huwag ilagay ang mga laruan sa mataas na lalagyan na makikita at matutuksong kunin ng mga bata. Idikit ang mga mabibigat na kasangkapan o patungan sa pader o dingding.