Paano ko maiiwasan ang pulmonya
Ang mga pamilya ay makatutulong maiwasan ang pulmonya sa pamamagitan ng pagsigurong ang mga sanggol ay pinasususo lamang sa unang anim na buwan at ang lahat ng mga bata ay malusog at kumpleto sa bakuna.
Ang pagpapasuso ay tumutulong upang maprotektahan ang mga sanggol mula sa pulmonya at iba pang mga sakit. Mahalagang ang gatas lamang ng ina ay maibigay sa unang anim na buwan ng buhay ng bata.
Pagkatapos ng anim na buwan, ang isang bata ay dapat kumain na iba't-ibang masustansyang pagkain at patuloy na pasusuhin, upang matiyak na siya ay nakakakuha ng mga sustansiyang kakailanganin para hindi maging masakitin. Ang ilang mga halimbawa ng masustansyang pagkain ay mga prutas at gulay (kabilang ang mga berde at madahon gulay), atay, mga pagkaing gawa sa gatas, isda at itlog.
Ang malinis na tubig at ang mabuting gawain sa kalinisan ay tutulong upang mabawasan ang bilang ng mga impeksyon sa paghinga at iba pang mga sakit, tulad ng pagtatae. Kasali sa mabuting gawain ang paghugas ng gulay at prutas, at ang pagpapanatiling malinis ang pinaglulutuan, at paghugas ng kamay sa sabon at tubig o sa tubig at abo.
Bawat bata ay dapat makumpleto ang isang inirerekomendang mga bakuna. Ang maagang proteksyon ay mahalaga; ang mga bakuna sa una at sa panglawang taon lalong mahalaga. Ang bata ay mapapangalagaan sa laban sa tigdas, pertussis (whooping cough), tb at iba pang respiratory illnesses na maaaring pulmonya.
Ang mga magulang at mga tagapag-alaga ay dapat na tiyakin na ang parehong mga batang babae at lalaki ay patas na napapakain nang maayos at nababakunahan. Ang mga health workers ay maaaring magbigay sa mga magulang at ibang mga tagapag-alaga ng may impormasyon sa masustansyang pagkain, kalinisan, pagbabakuna at kung paano sila mapoprotektahan laban pulmonya at iba pang sakit.
Ang mga bata ay mas malamang na makakuha ng pulmonya at iba pang mga sakit sa paghinga kung nakatira sila sa mausok na lugar. Ang paglanghap ng usok ay makasasama sa isang bata, kahit bago ito ipanganak. Ang mga buntis ay hindi dapat manigarilyo o malantad sa usok. Ang mga sanggoi ay dapat ilayo sa mausok na kusina at sa mga apoy na pinangluluto. Ang mga binata at dalaga naman ay dapat na hinihikayat iwasan ang paninigarilyo at balaan ang mga kaibigan nila tungkol sa mga panganib na dulot nito.
Ang second-hand smoke, o usok, ay mapanganib sa mga bata. Ito ay nananatili sa hangin ng mga ilang oras matapos ang mga sigarilyo, pipa o tabako ay pinatay na. Ang mga hindi naninigarilyo na lumanghap ng usok nito ay mas lantad sa mga impeksyon sa paghinga, hika at kanser.