Paano ko makokontrol ang Diyabetis
Kung ikaw ay may Type 2 diyabetis, dapat kang makipag-ugnayan sa isang health worker para masuri ang iyong dugo at malaman kung kailangan mo ng gamot. Maaari mong ma-kontrol ang diyabetis sa tamang pagkain.
Kung maaari, dalasan ang pagkonsulta sa isang health worker para masigurong hindi lumalala ang iyong karamdaman.
Upang maiwasan ang impeksiyon at sugat sa balat, magsipilyo pagkatapos kumain, panatilihing malinis ang balat at laging magsuot ng sapatos o tsinelas para maiwasan masugatan sa paa. Tingnan ang iyong mga paa at mga kamay isang beses sa isang araw upang makita kung may sugat. Kung mayroon at may senyales ng impeksiyon ( pamumula, pamamaga o pag-init) kumunsulta agad sa isang health worker.
Kung maaari, itaas ang mga paa habang nagpapahinga. Ito ay mahalaga lalo na kung ang mga paa mo ay nangingitim at namamanhid. Ang mga ganitong senyales ay nangangahulugan na hindi maganda ang daloy ng iyong dugo papunta at galing sa iyong mga paa.