Paano ko malalaman kung ang isang tao ay may tuberculosis
Ang pinakakaraniwang sintomas ng TB ay isang ubo na tumatagal nang higit sa 3 linggo, lalo na kung may dugo sa plema (malauhog na galing sa mga baga). Ang iba pang mga palatandaan ay ang pagkawala ng gana sa pagkain, timbang, may lagnat, pakiramdam ng pagkapagod at pagpawis sa gabi.
Ngunit, ang tanging siguradong paraan para malaman kung may TB ang isang tao ay ang pagpasuri ng plema. Upang makakuha ng isang sample ng plema---at hindi lamang laway (dura) --- ang tao ay dapat umubo nang malakas upang mailabas ito galing sa baga. Matapos ito ay sinusuri sa isang laboratoryo upang makita kung ito ay naglalaman ng mga mikrobyo ng TB (ay positibo).
MAHALAGA: Dahil karaniwan sa mga taong may HIV na magkaroon din ng TB, ang lahat ng may HIV ay dapat ipasuri para sa TB. Kung ang pagsusuri ay positibo sa TB, ang tao ay dapat agad magsimula sa paggamot. At sa mga bansa kung saan ang HIV ay karaniwan, ang lahat ng mga taong may TB ay dapat pag-isiipang ipa-HIV test.