Paano ko mapapangalagaan ang aking sarili laban sa STI sa habang nagkaka-edad
From Audiopedia - Accessible Learning for All
Maaari ka pa ring mabuntis hangga't hindi pa tuluyang tumigil ng isang buong taon ang iyong pagre-regla. Para maiwasan ang di nais na pagbubuntis, kailangang ipagpatuloy ang paggamit ng family planning.
Kung ikaw ay gumagamit ng hormonal method ng family planning (pills, injections, o implants), tigilan ang paggamit nito pag dating sa edad na 50, para malaman kung ikaw ay magkakaroon pa. Gumamit ng ibang paraan ng family planning hanggang mawala ang buwanang pagre-regla sa loob ng isang taon (12 na buwan).
Hangga't hindi ka nakasisiguro kung ikaw o ang iyong partner ay may STI, pati HIV, siguraduhing gumamit ng condom tuwing makikipagtalik --- kahit ikaw ay hindi na mabubuntis.