Ang ilang pamamaga ng paa ay normal sa pagbubuntis-lalo na sa mga babaeng kailangang nakatayo buong araw.
Ano ang dapat gawin upang maiwasan ito:
Itaas ang paa ng madalas hanggat maaari.
Sa iyong pagpapahinga, humiga sa iyong kaliwang bahagi.
Kung masyado ang pamamaga ang iyong mga paa, o namamaga na sila sa iyong paggising sa umaga, o ang iyong mga kamay at mukha ay namamaga rin, ito ay palatandaan ng panganib sa panahon ng pagbubuntis. Magpatingin sa isang manggagamot o magtungo sa ospital.
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.