Paano ko masasabi na ang pagpapalaglag ay magiging ligtas

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Hindi madaling sabihin na ang pagpapalaglag ay magiging ligtas. Subukang pumunta sa lugar kung saan ito gagawin o tanungin ang mga galing na doon ng mga ganitong katanungan:

  • May narinig kana ba na babaeng nagkasakit o mamamatay na dahil sa pagpapalaglag dito? Kung oo, pumunta sa ibang lugar.
  • Sino ang gagawa ng paglalaglag at paano sila nagsanay? Ang mga manggagamot, mga nars, health workers, at tradisyonal na kumadrona ay maaaring makagawa ng paglalaglag. Ngunit, ang paglalaglag na iba na hindi nakapagsanay ng ligtas na paraan ng paglalaglag at kung paano maiwasan ang impeksyon ay maaaring maging napaka mapanganib.
  • Ang silid ba kung saan gagawin ang pagpapalaglag ay malinis at maayos? Kung ito ay marumi at magulo, maaaring ganun din ang paglalaglag.
  • May lugar ba ng hugasan ng mga kamay? Ang isang health worker na walang hugasan ng mga kamay ay hindi makakagawa ng malinis at ligtas na paglalaglag.
  • Ang mga instrumento ba ay parang nahanap lang o ginawa sa bahay? Ang mga instrumento na ginawa sa bahay ay maaaring magdulot ng pinsala o impeksyon.
  • Paano nilinis ang mga instrumento at pano ito ginawang ligtas sa mga mikrobyo? Ang mga instrumento ay dapat ibabad sa matapang na pamatay na mikrobyo o pakuluan sa tubig para mamatay ang mga mikrobyo na sanhi ng impeksyon.
  • Ang halaga ba ay makatarungan? Kung ang halaga ay masyadong mataas, kung minsan ito ay nangangahulugan na ang health worker ay inaalagaan lang ang pera, hindi ang iyong kalusugan.
  • Ang iba bang serbisyong pangkalusugan ay binibigay kaagapay ng pagpapalaglag? Ang mabuting health worker ay susubukang magbigay ng iba pang mga serbisyo na kailangan ng mga babae, tulad ng pagpaplano ng pamilya, panggagamot sa STIs, at pagpigil sa HIV.
  • Saan ka dadalihin kung may hindi tamang mangyari habang o pagkatapos ng pagpapalaglag? Dapat may palaging plano na dalhin ka sa ospital sa oras ng biglang pangangailangan.

MAHALAGA: Ang pagpapalaglag ay mas mapanganib kung:

  • ang huling regla mo ay mahigit ng 3 buwan.
  • ang pagbubuntis mo ay nagsisimula ng makita.

Mas matagal ka ng buntis, mas may pagkakataon na may mas malaking mga komplikasyon pagkatapos ng pagpapalaglag. Para sa iyong kaligtasan, ang pagpapalaglag ng mahigit na sa 3 buwang pagbubuntis ay dapat isagawa gamit ang espesyal na kagamitan sa klinika o sa ospital.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020209