Paano ko pagbubutihin ang aking Nutrisyon
Narito ang mga ilang halimbawa kung paano mapabubuti ang nutrisyon. Ang mga mungkahing ito ay makatutulong kung paano magpapalaki ng mas maraming pagkain o ibat ibang uri ng pagkain o pag-iimbak nito nang sa gayon ay hindi mabulok. Ilan sa mga halimbawa ay nagdadala ng mabilisang mga resulta. Iyong iba ay umuubos ng mahabang panahon.
Para mas marami ang maani sa isang pirasong lupa, subukang magtanim ng ibat ibang uri ng pananim nang magkakasama. Halimbawa, iyong mga halaman na lumalaki ng mababa sa lupa ay maaring ihalo sa mga halamang lumalaki ng mataas. Ang mga bungangkahoy ay maaaring itanim na kasama at kasabay ng mga naunang nabanggit. O ang mga mabilis tumubo ay maaaring ihalo sa mga matagal tumubo. Ngayon maaaring anihin na ang naunang tumubo bago lumaki ng todo ang pangalawang tanim.
Kung kailangan mong magtanim ng halamang hindi pagkain na iyong ibebenta, subukan ding isama sa pagtatanim ang mga ito. Halimbawa magtanim ng mga mani o bungangkahoy para mabigyan lilim ang kape. O kaya, magtanim ng kamoteng kahoy kasama ang bulak.
Subukang maghanap ng masusustansyang halaman na tumutubo ng mabuti sa inyong lugar, para kaunting tubig at pataba lang ang kakailanganin mo para makaani ng maganda.
Pag-ikot ng mga pananim: Kada ikalawang panahon ng pagtatanim, magtanim ng pananim na nagbabalik lusog sa lupa-tulad ng beans, gisantes, mga butil, mani, o mga halaman na may buto (sitaw, patani). Halimbawa, magtanim ngayong taon ng mais, sa susunod na taon ay beans.
Subukan magpalaki ng ibat ibang uri ng pagkain. Sa ganoong paraan, kahit hindi mabuhay ang isa mayroon pa ring makakain.
Ang hagdang taniman ay makakapigil sa lupa na huwag mabawasan.
Gumamit ng mga natural na pataba. Gumawa ng sariling abono para meron kang makukuha na libre.
Kung maari magtatag ng isang Koopertiba para sa pagkain kasama ang iba. Ang komunidad ay maaaring makabili ng maraming pagkain sa murang halaga.