Paano lumaganap ang HIV

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang HIV ay nabubuhay sa likido ng katawan ng taong mayroong HIV_dugo, tamod, gatas ng Ina, at hima. Ang mikrobyo ay lumalaganap kapag ang mga likidong ito ay pumasok sa katawan ng ibang tao.

Ang ibig sabihin nito na ang HIV ay maaring lumaganap sa pamamagitan ng:

  • hindi ligtas na pakikipagtalik sa isang tao na mayroong mikrobyo. Ito ang pinaka pangkaraniwan na paraan ng paglaganap ng HIV.
  • hindi malinis na karayom o iniksyon o kagamitan sa pagtusok o paghiwa ng balat.
  • pagsasalin ng dugo, kung ang dugo ay hindi nasuri para makasiguro na ito ay ligtas sa HIV.
  • pagbubuntis, panganganak o pagpapasuso, kung ang Ina o Ama ay may impeksyon.
  • pagdikit sa dugong may impeksyon at pagpasok nito sa mga hiwa o bukas na sugat ng ibang tao.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011004