Paano magpakain ng mga bata anim na buwan pataas

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa unang anim na buwan, kung kailan ang sanggol ay mas madaling magkasakit, ang pagpapasuso ay nakatutulong mapangalagaan ang sanggol laban sa pagtatae at iba pang karaniwang impeksyon; inihahanda rin ang bata sa magandang panimula sa kaniyang buhay.

Sa edad na anim na buwan, ang bata ay nangangailangan din ng iba pang pagkain at inumin, bilag pagkaing dagdag sa gatas ng ina. Ito ay nagbibigay ng lakas, protina, bitamina at iba pang sustansiyang kakailanganin sa paglaki.

Ang iba't-ibang pagkain--- mga gulay at prutas, karne, manok, isda, itlog at mga produktong may gatas--- ay nakatutulong upang matugunan ang sustanisyang kakailanganin ng bata. Ang pagpapasuso ng hanggang dalawang taon o higit pa ay mahalagang pinagkukunan ng sustansiya laban sa sakit.

Kapag ang bata ay hindi agad nasimulan pakainin, malambot, malasado, o buo man, maaaring ang bata ay hindi magkaroon ng tamang sustansya sa katawan. Ito ay maaaring makapagpabagal sa paglaki at pagbuo ng ibang bahagi ng katawan ng bata. Kapag sinimulang magpakain, mahalagang simulan sa mga malalambot at nadudurog na pagkain hanggang sa unti-unting pagpapakain ng mas buong pagkain. Kung mas maraming uri ng pagkaing pampalusog ang maisasama sa pagpapakin sa bata, magiging malusog at mas balanse ang kinakain ng bata.

Ang tuluy-tuloy at iba't-ibang pagkain ay dapat naaangkop sa pangangailangan at kakayahang kumain ng bata. Sa edad na 6 na buwan, ang sanggol Y maaari nang pakainin ng katas o dinurog na pagkain, sopas at lugaw. Pagdating ng walong buwan, ang bata ay kadalasang maaari nang kumain ng mga "finger foods" (o mga pagkain na kaya nilang kainin mag-isa). Pagdating ng ika-labindalawang buwan, ang mga bata ay kadalasang maaari nang kumain ng mga pagkaing katulad ng sa ibang miyembro ng pamilya.

Ang mga magulang o mga tagapag-alaga ay dapat iwasang magbigay ng mga pagkain makababara sa lalamunan, tulad ng mga mani, ubas at hilaw na carrots, at iba pang mga pagkain na may hugis o consistency na maaaring bumara sa lalamunan ng bata.

Sources