Paano maiiwasan ang kanser
Ang direktang sanhi ng karamihan sa mga kanser ay hindi pa nalalaman.
Ang pamumuhay nang malusog ay nakapipigil ng kanser. Ito ay nangangahulugan ng pagkain nang tama at pag-iwas sa mga maaaring maging sanhi ng kanser. Halimbawa:
Huwag magsigarilyo o ngumuya ng tabako.
Subukang iwasan ang nakasasamang mga kemikal sa inyong bahay o trabaho, kasama na ang mga pagkaing ginamitan nito para tumagal.
Ang mga bukol ay karaniwan sa mga babae, lalo na ang mga malalambot, o tubigan (cysts). Ang mga ito ay karaniwang nagbabago tuwing magkakaroon ang babae, at minsan ay masakit. Kakaunti ang mga bukol na kanser. Ngunit dahil ang breast kanser ay maaaring mangyari, kailangang kapain niya ang kaniyang dibdib bawat buwan.
Ang kanser ng atay ay sanhi ng hepatitis B at C. Ang mga ito ay maaaring maiwasan sa ligtas na pagtatalik at hindi paggamit ng karayom na hindi bago. Mayroon din bakuna para sa hepatitis B. Ang mga sanggol ay maaari ng saksakan pagkapanganak. Ang mga nakatatanda ay maaaring bakunahan kahit kailan.
Mayroong bagong bakunang tinatawag na HPV vaccine, para maging ligtas sa cervical kanser, na nagawa at ginagamit na sa maraming bansa. Kailangan itong ibigay sa mga babae bago pa sila magsimulang makipagtalik. Magtanong sa health worker kung mayroon nito kung saan ka nakatira.
MAHALAGA: Ang kanser ay gumagaling kapag naagapan. Ang pagiging maagap ay nakapagliligtas ng buhay ng isang babae dahil makakapagpagamot pa siya. Pumunta sa mga pagsusuri ng kanser sa inyong local health services kung maryoon sa inyong lugar.