Ang pagbubuntis ay nagdudulot ng pagbagal ng galaw ng mga bituka. Ito ay nagdudulot ng pagtigas ng dumi kaya nagiging mahirap ilabas.
Ano ang dapat gawin para maiwasan ito:
Uminom ng hindi bababa sa walong basong likido araw-araw.
Regular na mag-ehersisyo.
Kung ikaw ay umiinom ng iron tablets, subuking uminom ng isa lamang bawat araw, kasabay ng katas ng prutas or gulay. O di kaya'y lumiban sa pag-inom ng tableta nang ilang araw.
Kumain ng maraming prutas, gulay, at mga pagkaing may hibla o fiber tulad ng mga buong butil o whole grain at kamoteng kahoy.
Huwag uminom ng pampurga. Panandalian lamang itong lunas sa problema at kakailanganin mong uminom nang mas marami sa susunod.
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.