Paano maiiwasan ang problema sa kalusugan at paglaki ng aking mga anak dahil sa malnutrisyon

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Siguruhin na ang bata ay kumakain ng madalas ng sapat. Bilang karagdagan sa pagpapasuso, ang bata na may edad 6-8 buwan ay kailangang kumain ng dalawa hanggang tatlong beses kada araw at tatlo hanggang apat na beses kada araw sa pagtuntong ng ika 9 na buwan. Karagdagang masustansyang meryenda tulad ng piraso ng prutas o tinapay na may peanut butter ay maaaring kailanganin isa o dalawang beses kada araw. Ang bata na may mabagal na paglaki o kapansanan ay maaaring mangailangan ng dagdag na tulong at oras sa pagpapakain.

Siguruhin na ang bata ay nakatatanggap ng sapat na pagkain. Ang batang may edad na 6-8 buwan ay kailangang makatanggap sa una ng 2-3 kutsarang pagkain, dagdagan paunti unti hanggang maging kalahating tasa ang bawat pagkain. Ang bata na may edad na 12-23 buwan ay nangangailangan ng 3/4 hanggang 1 tasa ng pagkain ng pamilya kada kain. Kung ang bata ay nauubos ang kanyang pagkain at gusto pa, ang bata ay dapat bigyan ng dagdag na pagkain. Kung parang hindi gusto ng bata ang lasa ng isang pagkain, bigyan ng ibang pagkain. Ang bagong pagkain ay dapat ipasubok unti-unti.

Siguruhing ang pagkain ng bata ay mayroong sapat na pangpalaki, o pangpalakas. Ang mga pagkain na makakatulong sa paglaki ng bata ay ang mga beans, mani, karne, isda, itlog, keso, gatas, at mga butil. Ang pagsasama ng mga pagkaing galing sa hayop araw-araw ay mahalaga. Ang kaunting mantika ay maaaring magdagdag ng lakas. Ang pulang langis ng niyog o mabitaminang langis na maaaring kainin ay mabuting pagmulan ng lakas. Ang mataas na uri ng mga pangpalaking pagkain ay mahalaga para makasiguro na ang mga bata ay bibigat at tataas. Ang mga matatabang pagkaing na pinoproseso o matatamis na meryenda ay hindi mayaman sa bitamina at mineral at iba pang mahalagang nutrients at maaaring maging dahilan para ang mga bata ay masyadong tumaba na hindi angkop sa kanilang taas.

Bigyan ng espesyal na pag aalaga ang may sakit na bata. Ang maysakit na bata ay nangangailangan ng paghimok para kumain kahit konti, ngunit madalas. Ang bata ay dapat pasusuhin ng madalas. Pagkatapos ng sakit, ang bata ay kailangang kumain ng mas marami sa dati para makabawi ng bigat at lakas at nutrisyon. Kung ang bata ay palaging may sakit, siya ay dapat ipasuri sa manggagamot.

Siguruhin na ang bata ay nakakukuha ng sapat na pagkain na may bitamina A. Ang gatas ng Ina ay mayaman sa bitamina A. Ang ibang pagkain na may bitamina A ay ang mga atay, itlog, manok, pulang langis ng niyog, dilaw at kulay kahel na mga prutas at gulay, at berdeng madahong gulay. Kung ang mga pagkaing ito ay hindi makukuha sa tamang dami, ang isang sangay na nangangalaga sa kalusugan ay makapagbibigay ng bitamina A (tableta o lusaw na nasa bote) twing ika apat hanggang ika anim na buwan.

Kung bibigyan ng gatas na panghalili ang bata dapat ito ay ilagay sa malinis na tasa o baso kesa sa bote.

Siguruhin na ang pagkain ay laging malinis. Kung hindi, ang bata ay madalas magkakasakit. Ang mga hilaw na pagkain ay dapat hugasan o iluto sa malinis na tubig at galing sa ligtas na pinagkukunan. Ang mga lutong pagkain ay dapat kinakain kaagad. Ang mga tirang pagkain ay dapat maitagong mabuti at maiinit ng lubusan.

Ang malinis na tubig ay mahalaga para sa kalusugan ng bata. Ang tubig ay dapat galing sa ligtas na pinagkukunan at mailagay sa lalagyan na malinis ang loob at labas. Ang malinis na inumin ay maaring makuha mula sa palagiang malinis, kontrolado at may chlorin na tubo, balon, sibol, o inipon na tubig ulan. Kung ang tubig ay kinuha mula sa sapa, batis, sibol, balon na di protektado o tangke, kailangang itong linisin. Ang mga pang bahay na pamamaraan ay maaaring gamitin tulad ng pagpapakulo ng tubig, pagsasala, pagdadagdag ng chlorine o pagbibilad sa araw alinsunod sa impormasyon na binigay ng isang nagsanay na kawani ng kagawaran ng kalusugan.

Siguruhin na ang dumi ng tao o tae ay nilalagay sa palikuran o ibinabaon. Ang mga kamay ay hinuhugasan gamit ang sabon at tubig o abo at tubig pagkatapos gumamit ng palikuran. Kung hindi, ang bata ay madalas makakukuha ng mga bulate at iba pang mga sakit. Ang batang may bulate ay kailangang purgahin ng isang nagsanay na kawani mula sa kagawaran ng kalusugan.

Kung ang isang bata ay maiiwang mag isa sa maraming oras o sa pangangalaga ng nakatatandang kapatid siya ay maaaring mangailangan ng higit na atensyon at pakikipag ugnayan mula sa mga nakatatanda, lalo na sa oras ng pagkain.

Sources