Paano maiwasan ang pagkamatay dulot ng hindi ligtas na pagpapalaglag
Ang mga babaeng desperado ay kadalasang naghahanap ng paraan upang hindi matuloy ang pag bubuntis. Iwasan ang mga sumusunod na mga paraan. Ang mga ito ay lubhang mapanganib:
Huwag mag lagay ng matutulis na bagay sa pwerta at sinapupunan tulad ng patpat, kawad o plastik na tubo. Ang mga ito ay maaring maka punit ng sinapupunan at makapagdulot ng pagdurugo at impeksyon.
Huwag mag lagay ng damo o anu mang halaman sa pwerta o sinapupunan. Maari itong makasunog o makairita ng labis na makapagdudulot ng pinsala, impeksyon at pagdurugo.
Huwag mag lagay ng mga sangkap tulad ng mga pangpaputi, lihiya, abo, sabon o gaas sa pwerta o sinapupunan. Huwag ding inumin ang mga ito.
Huwag uminom ng mga maraming gamot o mga tradisyonal na mga paraan upang mailaglag ang pinagbubuntis. Halimbawa, ang pag inum ng maraming gamot para malarya (chloroquine) o mga gamot na pang pa-ampat ng pagdurugo matapos manganak (ergometrine, oxytocin) ang mga ito ay maaring pumatay sa iyo bago mangyari ang paglalaglag.
Huwag saktan ang iyong tiyan o magpakahulog sa hagdanan. Ito ay magdudulot ng pinsala at pagdurugo sa loob ng iyong katawan at maaring hindi mag dulot ng paglalaglag.
MAHALAGA: Huwag maglagay ng anumang bagay sa loob ng sinapupunan o payagan ang isang taong walang pagsasanay na gawin ito sa iyo. Ito ay maaaring pumatay sa iyo.
Iwasan ang hindi ligtas na pagpapalaglag. Subukang pigilan ang hindi gustong pagbubuntis bago ito mangyari.