Paano makaiiwas sa sakit-pangkaisipan kung may mabuting relasyon sa kapwa

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Malaking bagay ang mayroong nakakausap. Sa isang relasyong mapagkalinga, ang dalawang tao o higit pa, ay mayroong malasakit na kilalanin at intindihin ang bawat isa. Ito ay maaaring mangyari sa kahit na anong relasyon - sa mga magkakaibigan, magkakamag-anak, o mga babaeng magkakasama sa trabaho o nasa isang grupo na nagkikita-kita para sa ibang kadahilanan. O mayroong bagong grupong mabubuo dahil ang mga tao ay may parehong problema. Ito ay madalas na tinatawag na "support groups".

Kahit na ang dalawang tao ay magkakilala na nang mabuti, ang relasyong mapagkalinga ay dahan-dahan pa ring mabubuo, dahil ang mga tao ay karaniwang nag-aalinlangan magsabi ng problema. Kakailanganin ng panahon para maalis ang mga pag-aalinlangan at magsimulang magtiwala.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011513