Paano nakakaapekto ang menopos menopause sa aking katawan at kaluluwa
Isa sa mga pangunahing palatandaan ng pagtanda ay ang pagtigil ng buwanang pagdurugo o regla (menopos). Maaari itong tumigil nang bigla o maaaring tumigil ito nang dahan-dahan sa loob ng isa hanggang dalawang taon. Sa karamihan ng kababaihan, nangyayari ang pagbabagong ito sa pagitan ng edad 45 at 55.
Mga palatandaan:
Nangyayari ang mga palatandaang ito kapag ang obaryo ng babae ay tumitigil na sa paggawa ng itlog, at mas kakaunting estrogen at progesterone ang nagagawa ng kanyang katawan. Magsisimulang mawala ang mga palatandaang ito kapag nakakasanayan na ng kanyang katawan ang mas kakaunting estrogen.
Ang mga nararamdaman ng isang babae tungkol sa pagtigil ng kanyang buwanang regla ay depende kung minsan sa kung paano siya naaapektuhan ng mga pagbabago sa kanyang katawan. Depende rin ito sa kung paano iniisip at pinakikitunguhan ng pamayanan ang mas nakatatandang kababaihan. Maaaring ikaginhawa niya na hindi na siya magkakaregla buwan-buwan. Nguni't maaari rin siyang malungkot dahil hindi na siya maaaring magkaanak pa.