Paano nga ba kumakalat ang Tuberkulosis
From Audiopedia - Accessible Learning for All
Ang TB kumakalat mula sa isang tao papunta sa iba kapag ang isang taong may sakit na TB ay umubo ng mikrobyo sa hangin. Ang mikrobyo ng TB ay maaaring mabuhay sa hangin ng ilang oras.
Ang mga taong may sakit ng TB sa kanilang baga ay maaaring magkalat ng mga mikrobyo sa ibang tao. Kapag ang mga kababaihan ay may sakit ng TB, maaaring nilang maikalat ito sa kanilang mga anak at ibang taong inaalagaan nila araw-araw. Ang mga taong nahawaan ng TB ngunit walang sakit at ang mga may sakit ng TB sa ibang bahagi ng katawan, ay hindi nakakahawa.
Kung hindi magagamot nang tama, ang isang taong may sakit ng TB ay makahahawa ng 10 tao bawat taon. Ngunit, kapag isang tao ay umiinom na ng gamot sa lobb ng isang buwan, hindi na siya makakahawa.