Paano tuluyang napipinsala ng droga at alkohol ang aking kalusugan
Ang mga taong sobra sa alak at gumamagamit ng droga ay mas madalas magkasakit at mas malala kaysa sa mga hindi gumagawa nito. Sila ay maaaring:
Mas madalas din silang nasasaktan o namamatay mula sa mga aksidente (at madalas ay nadadamay pati kanilang mga pamilya). Ito ay dahil sa hindi na sila makapag-desisiyon nang tama o basta na lamang gumagawa ng isang bagay na hindi nag-iisip, o dahil din hindi na nila mapigilan ang kanilang katawan habang nasa impluwensiya ng alak o droga. Kung sila ay nakipagtalik ng walang proteksyon, nakikigamit ng siringilya sa pagsaksak ng droga, o nakipagtalik kapalit ng droga, sila ay nasa panganib na makakuha ng Hepatitis, HIV at iba pang sakit na maaring ipasa sa pamamagitan ng pagtatalik.
Ang mga taong ngumunguya ng tabako ay nahaharap din sa parehong mga sakit na hinaharap ng mga naninigarilyo ng tabako.
Ang pagnguya ng tabako at nga-nga ay sumisira ng ngipin at gilagid, nagiging sanhi ng singaw at kanser sa bibig at lalalmunan, at iba pang pinsala sa katawan. Ang Khat ay nagiging sanhi ng sakit sa tiyan at pagtitibi. Karamihan ng mga droga na nginunguya ay nagdudulot ng adiksiyon.
Maraming mahirap na tao, lalo na mga batang nakatira sa lansangan ang sumisinghot ng glue at solvent para makalimutan ang gutom. Ito ay lubos na nakaka-adik at nagdudulot ng malalang piansala sa kalusugan, tulad ng problema sa paningin, kahirapan mag-isip at makaalala, marahas na pag-uugali, kawalan ng matinong pag-iisip at kontrol sa katawan, labis na pangangayayat at maaring humantong sa pagtigil ng puso o biglang pagkamatay.
Kahit anong paggamit ng droga at alak ay mapanganib kung ang tao ay: