Ang HIV ay walang kakayahang mabuhay sa labas ng katawan ng tao ng mahigit sa ilang minuto lamang. Hindi nito kayang mabuhay ng siya lang sa hangin o tubig.
Ibig sabihin nito, hindi ka maaaring makapagbigay o makakuha ng HIV sa ganitong mga paraan:
Sa pag hipo, pag halik o pagyakap
Sa pakikisalo sa pagkain
Sa pag tabi sa higaan
Sa pag papahiram o paglalaba ng damit, tuwalya, sapin sa higaan o sa pag gamit ng iisang palikuran
Sa pag aalaga ng taong may HIV o AIDS
Sa kagat ng insekto
Sources
Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.